Oo. Mahal kita. Nung una gusto lang kita, pero ngayon mahal na kita. Mahal na mahal. Alam mo naman yun eh. At alam ko din na hindi ka interesado sa kin. Alam ko din na may iba kang gusto. Tanggap ko. Expected ko eh. Syempre tao ako, masakit. Pero gusto ko masaya ka. Pero masakit pa din. Kasi nga may nararamdaman ako para sa’yo. Naiintindihan mo naman yun diba?
May hula na din ako noon pa kung sino gusto mo. Dalawa lang silang pinagpipilian ko. At nung naconfirm ko kung sino, oo nasaktan ako. Pero dahil mahal kita, at kaibigan ko yung girl na gusto mo, gusto ko kayo maging masaya.
Unfair lang siguro kasi, bago ka pa n’ya magustuhan, nagshare ako sa kanya about sa feelings ko sa’yo. Kinikilig pa s’ya nun. Tapos yun, nagkagusto pala s’ya talaga sa’yo. Akala ko nung una, paranoid lang ako. Totoo pala gusto ka na din n’ya. Unfair lang kasi alam n’ya na may gusto ako sa’yo, tapos di n’ya sinabi na nagkakagusto na s’ya sa’yo. Pero naintindihan ko naman kasi sabi n’ya, kaya daw di n’ya sinabo kasi naguiguilty s’ya tapos takot s’ya na masaktan ako or magalit ako sa kanya. Di naman ako nagalit. I felt a little bit betrayed. Pero I have forgiven na.
Siguro feeling ko lang napagkaisahan ako ng mundo kasi, yung dalawa kong friends, yung ibang pinagshare-an ko ng feelings ko para sa’yo di nila sinabi sa ‘kin, though naiintindihan ko din naman kasi di naman nila yun secret para sabihin nila sa ‘kin yun. Medyo masakit lang para sa selfish part ng sarili ko.
Unfair din, kasi kailangan ko maging strong. Kailangan ko ngumiti at tumawa na parang wala lang, na parang di ako nadudurog. Ayoko naman kasi na maging awkward sa inyo. Gusto ko maging happy kayo na walang iniisip na baka nasasaktan ako. Gusto ko kasi masaya ka at walang pinoproblema masyado. Nahihirapan lang siguro ako magpakastrong, tapos wala din kasi akong release sa pain na nararamdaman ko.
Pero ayos lang. Magiging okay din ako.
Gusto ko lang malaman mo, mahal kita. Alam mo yun. Di ko pa nararamdaman yung ganito before. Ikaw pa lang yung taong, makita lang kita, kahit impyerno yung araw ko, nagiging happy ako. Na pag andyan ka, nagkakaroon ako ng inspiration na magpush forward, kahit nakakastress yung responsibilities ko. Na pag ngumingiti ka, sumasaya ako. Sobrang gaan ng pakiramdam ko pag kasama kita, at pakiramdam ko, safe ako pag andyan ka. Di ko alam kung bakit. Di naman kasi tayo close, at konti lang yung ganong moments. Pero sobrang mahal na mahal kita.
Andito lang ako. Mahal pa din naman kasi kita. Di naman sa gusto ko na ako na lang at wag na s’ya (pero aminado ako na yung selfish part ng sarili ko yun ang gusto, lahat naman tayo may ganong part ehh) pero, pag inayawan ka n’ya, or nagsawa s’ya, andito lang ako. Pwedeng as a friend, or as a blockhead, or as a sister, or as something more. Basta andito ako para sa’yo. Para sa inyo actually. Kasi pag ikaw naman ang nagsawa sa kanya, di ko naman yata kayang tiisin na makitang masasaktan s’ya.
Sana talaga maging happy kayo. Ha? :)
Nov 12th / Tagged: mine JohanCastro / Notes †Notes

